Goal Visualization and How To Be Ultra Clear In Achieving It

Goal in life or in business is very important, you need to know what exactly do you want to achieve it so that you become successful.

Siguro hindi mo lang alam yung exact na gagawin mo kung paano ba aabutin ang mga yun, so para mas madali mong maabot yung mga goals mo ito yung dapat mong gagawin…

…Write down and do the math unang kaylangan mong malaman ay ito “Rich and successful people knows exactly what they want and when they want to get it.” Let me ask you… Alam mo ba kung ano ang eksaktong goal mo?

What exactly do you really want to achieve?

One of my online mentors says… “If you can’t measure it, then it’s not a goal… It’s just a dream” Tandaan mo palagi yan. Dapat nasusukat mo ang goal mo.

  • “Gusto kong maging successful entrepreneur” is not a goal.
  • “Gusto kong maging Millionaire” is not a goal.
  • “Gusto kong yumaman” is not a goal.

Ano ang ibig sabihin sayo ng successful? Ano ang ibig sabihin sa’yo ng mayaman? Those are not goals dahil walang sukatan.

Kaya yun ang unang gagawin natin. Aalamin natin kung pano natin susukatin ang goal mo.

For example kung ang goal mo ay maging successful entrepreneur, unang tanong na sagutin natin ay… “Pano mo masasabi na successful entrepreneur ka?”

Let’s say you will consider yourself successful kung kumikita ka ng P2,400,000 every year sa online business mo.

Next kaylangan nating i-breakdown down ‘yan into monthly, weekly and up to daily income targets.
For example:
P2,400,000 / 12 months = P150,000 monthly income goal

​P150,000 / 4 weeks = P37,500 weekly goal

​P150,000 / 30 days = P5,000 daily income goal

​Yang daily income goal mo, yan yung magic number mo.

Dahil araw-araw ‘yan ang imo-monitor mo. Dapat sisiguraduhin mo na makuha yan, dahil pag araw-araw nahi-hit mo yang daily income goal na yan ibig sabihin makukuha mo yung monthly at yearly income goal mo.

Ibig sabihin makukuha mo yung goal mo na maging successful entrepreneur. Paano mo maa-achieve sa business mo yang daily income target na yan?

What will be the evidence that you accomplished your goal?

Ano ang magiging ibedensya pag nakuha mo na yung goal mo? For example, in your company dashboard everytime na magla-login ka makikita mo sa dashboard mo lahat ng income na kinikita mo.

Kaya makikita mo din kapag na-hit mo na yung target mo at yun yung magiging evidence na nakuha mo na yung income goal mo. Write it down on your paper.

 

What will be the reward when you accomplished your goal?

​Ano yung malaking reward na makukuha mo kapag kinita mo na yung income goal mo? Magkakaron ka na ba ng malaking savings sa banko at hindi ka na magaalala kung sakaling biglang magkaron ng emergency?

Or bibili ka ba ng brand new car at hindi ka na ulit magko-commute at makikipagsisikan sa Bus o MRT? Or kaya sisipain mo na ba ang boss mo at magre-resign ka na ba sa trabahong ayaw mo?Write it down on your paper.

How your life will change when you accomplished your goal?

​Anong magbabago sa buhay mo kapag nakuha mo na yung income goal mo? Magkakaron ka na ba ng time freedom, maraming oras para sa pamilya mo.

Magkakaron ka ba ng financial abundance at mabibili mo na ba yung mga bagay na gusto mo? Magkakaron ka na ba ng peace of mind dahil mababayaran mo na lahat ng utang mo? Write it down on your paper.

What are the 5-10 things that you did to accomplish your goal? 

Visualization is the key, rich people visualize their dream as if it’s already a reality. Ini-imagine nila yung goal nila na nagkatotoo na. Gawin mo din yun.

Sabi pa nga ni lolo Einstein “Logic will get you from A to Z imagination will get you everywhere.”  “Everything you can imagine is real.”― Pablo Picasso

 

Ngayon… I will guide you sa isang visualization exercise and you can do this everyday. This will help you sa pag-accomplish ng goal mo and this will be the best part of this training.

I want you to imagine na nakuha mo na ang goal mo. Yung tipong parang totoo na talaga. Imagine na reality na lahat ng mga sinulat mo kanina sa papel.

Imagine ilang buwan simula ngayon na-achieve at kinita mo na yung monthly income goal mo. Kung P100,000 per month ang goal mo, imagine kumikita ka na ng ganyang income. Then imagine 6 months from now, na kinita mo na yung kalahati ng yearly income goal mo.

If your goal is 2 Million a year, imagine 6 months from now kumita ka na ng 1 million pesos. And finally I want you to imagine, 1 year from now kumita ka na ng 2 million pesos mahigit sa business mo.

And I want you to imagine that day very clearly na punong puno ng detalye. Imagine gumising ka isang umaga, kahit inaantok antok ka pa binuksan mo yung laptop o computer mo.

Tapos pag-login mo sa business account mo, nakita ng dalawang mata mo na umabot na ng P2 million pesos ang total commissions na kinita mo. Halos napalundag ka sa upuan mo tapos napasigaw ka ng YES! Yahooo!

Sobrang bilis ng tibok ng dibdib dahil sa excitement at tinawag mo ang asawa mo (or ang nanay mo or kung sino mang close sa’yo), at pinakita mo sa kanya yung na-accomplishment mo.

Sobrang saya n’yo dahil finally mabibili n’yo na yung first car n’yo.

Sabi mo Thank you lord, dahil nakuha ko na ang goal ko. Buti na lang sinunod ko ang mga pangarap ko at naniwala ako sa sarili ko. Mabuti na lang ginawa ko ‘tong mga bagay na ‘to…

Conclusion:

QUESTION: Ano yung 5-10 things na ginawa mo, na tumulong sayo para makuha mo yung goal mo?

Nag-take ka ba ng massive & consistent action? Araw-araw nag-set aside ka ba ng oras para gawin ang business mo? Remember imagine as if na-accomplish mo na s’ya. Kaya ang isusulat mo ay past tense.

So there you have it and sana marami kang natutunan kung paano mo ma reach yung goals mo.

P.S. If you want to reach your goal fast you need to watch and check this system that helps many ordinary filipinos reach their goals, with less effort.

About The Author

Related Posts