What is Affiliate Marketing?

Explain ko una sa’yo kung ano ba ang affiliate marketing at kung pano ‘to nagwo-work.

Let’s use a simple analogy…

Sabihin natin may kapitbahay ka na si Mrs Diana.

Si Mrs Diana nag-open s’ya ng isang business selling jewelries.

Gusto ni Mrs Diana na madagdagan yung kanyang mga customers, kaya naghahanap s’ya ng mga makaka-partners.

Sabi n’ya sa’yo…

“Tulungan mo ‘ko makahanap ng mga bagong customers sa business ko, at ‘pag may bago kang customers na na-recommend sa’kin, babayaran kita ng 20% commissions for every sales”.

Ikaw gusto mo ng additional source of income kaya nag-agree ka na makipag-partner kay Mrs Diana.

Saktong-sakto yung isang kaibigan mo naghahanap ng magandang engagement ring.

Magpo-propose na kasi sya sa girlfriend n’ya.

So nirecommend mo sa friend mo yung business at yung jewelry store ni Mrs Diana.

Yung friend mo pumunta sa’ya sa jewelry store, at pinakita ni Mrs Diana sa kanya yung mga ibat-ibang available na engagement rings.

Then, may nagustuhan yung friend mo at bumili s’ya.

Ang binili n’yang engagement ring ay worth P10,000.
Done deal!

Remember yung 20% commissions na napagkasunduan n’yo?

Kaya binayaran ka ni Mrs Diana ng P2,000 for referring a new customer and sale.

Happy yung friend mo dahil nakahanap s’ya ng magandang ring para sa fiance n’ya.

Happy din si Mrs Diana dahil nagkaron s’ya ng bagong customer at ng sales.

Happy ka din dahil kumita ka ng P2,000 na income.

Everyone’s happy and win-win for the 3 of you.

Parang ganyan din nagwo-work ang online affiliate marketing.

Affiliate marketing is a way of making money online

by promoting other peoples/business products.

You make money for every sale that you refer.

And as an affiliate, isa lang ang role mo.

Yun ay tulungan na makahanap ng mga bagong customers ang isang business.

Kapag ginawa mo yun kikita ng percentage ng sales or commissions.

So pano ‘to magwo-work online?

The company with the affiliate program will give you a unique code or a unique link.

For Example: www.affiliatewebsite.com/?id=uniquecode123

Itong unique code or link na ito ang gagamitin mo every time na magpo-promote ka.

At dahil unique itong link na ‘to (Ikaw lang ay may ganyang link), their affiliate system will be able to track every time na makaka-refer ka ng sales.

You might be asking, anong benefit ng pag-participate sa isang affiliate program?

Bakit ‘di ka na lang gumawa ng sarili mong business with your own business system?

One big main reason…

Because it takes a lot of time, energy and money to create your own business system.

In our traditional business example, si Mrs Diana para makapag start s’ya ng business n’ya…

  • Nagpatayo s’ya ng store
  • Nag-rent sya ng space
  • Nag-hire sya ng mga staff
  • Naginvest sya ng malaki para sa mga jewelry inventory
  • Pina-register ny’a yung business n’ya sa government
  • Etc,…etc.

Andami n’yang ginawa bago s’ya makapag simula.

Ikaw hindi na.

Isa lang ang ginawa mo.

Nag-refer ka lang ng customer at kumita ka kagad ‘di ba?

Ganun din ang business online. If you will start a business from the ground up,

kakaylanganin mo na…

  • Mag-build ng mga website
  • Gumawa ng mga products
  • Gumawa ng mga sales presentation
  • Magsetup ng payment system
  • Magsetup ng follow up system
  • Mag-setup ng follow up system
  • And more…

Kapag nag-join ka naman sa isang affiliate program, basically nakikipag-partner ka o nakiki sosyo ka sa creator or owner ng established and existing business na ‘yun.

At ang biggest advantage nun, magagamit at male-leverage mo yung existing system na meron ang business na yun.

As an affiliate, isa lang ang magiging primary focus mo…Drive traffic.

You drive traffic para tulungan na makahanap ng mga bagong customers yung business kung saan affiliated ka.

In other words you will focus in promoting the business to get new sales and customers.

At pwede ka kagad mag-promote at pwede ka kagad kumita ng income pagkasaling-pagkasali mo.

Advantage Of Joining An Affiliate Programs

Ito yung mga specific advantages ng pag-join sa affiliate marketing programs:

  • No need to create your own products – With affiliate marketing hindi mo na kaylangan gumawa ng sarili mong products. Yung company na may affiliate program, sila na ang bahala sa mga products. may naka-ready ng products ipo-promote mo na lang. Ibig sabihin you can immediately start promoting & making sales as soon as you sign up as an affiliate.
  • No need to create your own system – Good affiliate programs will have a system in place. merong sales funnel, sales presentation, follow up system, product fullfilment system, etc. Kaya di mo na kaylangang gumawa ng sarili mong system, hindi mo na kaylangang magsetup ng websites, hindi mo na kaylangang gumawa ng sales presentation, etc.
  • No need to accept payments – Ito yung isa sa masakit sa ulo, yung pagsetup ng system para maka-receive ng mga payments. Pero normally, yung affiliate program company na din ang bahala sa pag-process ng mga payments, sa pag-process ng mga refunds, sa pag handle ng mga VAT, etc. Basta ikaw wala ka ng iintindihin na related sa mga payment transactions.
  • No shipping cost & no storage cost – Isa pang napaka convenient na benefit ng affiliate program ay wala kang expenses sa pag-ship or pag-store ng mga products. Di ka maglalabas ng additional expenses para sa mga courier.
  • No minimum monthly sales – Wala ding required minimum sales per month na kaylangang i-hit unlike other business opportunities. Ibig sabihin you can start as a part timer. You can start your business from 30 mins to 2 hours every day.
  • You can focus on 1 single thing: Traffic – Dahil nga hindi mo na kaylangang magsetup ng kung ano-ano, pwede ka na kagad makapag-focus sa income producing activity. Activity na magbibigay sa’yo ng commissions which is driving traffic or promotions na magdadala ng mga bagong sales at customers.

Disadvantages Of Traditional Online Affiliate Marketing

Meron ding ilang disadvantages ang mga affiliate marketing lalo na yung tinatawag nating traditional affiliate marketing.

  • Low commissions – Isa sa downside ay madalas maliit yung commissions. Most affiliate program ay napakaliit ng commissions (5% 10%). It’s either maliit na percentage o kaya naman malaki ang percentage pero ang baba naman ng presyo ng mga product (P100 – P500 price)
  • No commissions on back end sales – Ito yung pinaka malaking downside ng mga traditional affiliate program. Wala kang kikitain sa mga upsells or backend sales. Imagine ganito, nag-refer ka ng bagong customer sa isang company. Kumita ka ng P500 from the initial sales.So OK ayos ‘di ba? Pero most companies ay may tinatawag na Backend offers or upsells.

    Now imagine after ilang araw or ilang buwan, yung customer na yun ay nag-decide na bumili pa ulit ng ibang backend products na worth P20,000. Sa mga traditional affiliate marketing, wala ka nang kikitain dun sa backend sales na ‘yun. Yun yung disadvantage.

Para ikaw, hindi mo na kaylangang magaksaya ng mahabang panahon at hindi mo na kaylangang mahirapan sa paggawa ng sarili mong sales funnel.

To learn more about online marketing…

Click here to watch kung paano nagwowork!

 

To your succes,

Gemar Rom

About The Author

Related Posts